Sabado, Abril 7, 2012

Ang Araw ng Pagtatapos (The Graduation Day)

Sa totoo lang, ito na yata ang pinakamalungkot na parte ng aking high school life. Biruin mo natapos na pala ang aking 4 years sa High School. Nakakatuwang isipin kasi isang yugto na naman ang natapos at isa ring bagong yugto ang nagbubukas, iyon ay ang College life.

Ang litrato sa ibaba ay ako. Kinunan iyan bago kami umalis ng bahay.


The Graduate of Batch '11-'12


Siguro sa araw na ito, halu-halo ang mga emosyon na nadarama ko. Una, masaya at excited na. Pangalawa, nung nakasakay kami ng sasakyan ay ramdam ko ang kaba dahil late na ako at baka mapunta ako dun sa likod eh sa Section A ako kabilang, hehehe. Pangatlo, masaya kasi kahit late ng konti eh medyo malapit pa rin ako sa section namin kahit na nung nag-martsa ako eh nasama ako sa Section C. Nakakatawa pero totoo yun, nalate kami dahil sa inayos pa ako ng aking mama. Pero ayos lang kasi nakaupo pa rin ako at tsaka swerte ko nga kasi may mga kasama pa ako eh yung mga kaklase ko rin na late. Tapos nung abutan na ng diploma ay bumalik na kami sa lugar namin talaga, iyon ay sa unahan. Pang-apat ay pagkainis, naramdaman ko ito nung after ng bigayan ng diploma sa section namin. Nung uupo na ako tapos biglang nawala yung upuan ko. Naiinis ako dun sa isa kong kaklase kasi alam na nga niya na sampu na ang nasa unahan eh umupo pa sya at wala pa syang balak na umalis. Buti na nga lang at may dalawa akong kaklase (yung sinundan ko at sumunod sa akin) ang nagbigay ng space para makaupo ako kahit papaano. Buti na lang at may isang upuang bakante at yun umadjust na sya kahit labag sa kalooban NIYA?! Nakakainis hindi ba?! Gusto nya kasi at yung kaibigan nya na magtabi sila hanggang matapos ang program, Nakakahiya nga sa akin eh. Anyway, forget about it. Past is Past at hindi na yan mababalik pa. Panglima, masaya ulit dahil bukod sa nakaupo na eh matatapos na. 


 




 Sa litratong nasa ibaba ay ang Panunumpa ng mga Nagsipagtapos sa Ika-Apat na Antas sa Sekondarya na pinangunahan ng aming Salutatorian na si Bb. Maurice Taguinod. Sa litratong nasa ibaba ay mag-uumpisa pa lang kaming manumpa bilang mga Newly Grads of 2012.

Ang Panunumpa ng mga Nagsipagtapos



Ang litratong nasa ibaba ay ako at ang aking gurong tagapayo na si Gng. Lina  Ignacio. Ang litratong ito ay kinunan pagkatapos ng programa at sandamak-mak na kuhanan ng litrato. Siguro ang swerte na ng section namin kasi isang mabait na gurong tagapayo ang napunta sa section namin at iyon ay si Gng. Ignacio. Si Gng. Ignacio ay ang aming guro sa subject na Math.

Ako at aming gurong tagapayo sa Section IV-Love na si Gng. Lina Ignacio